Home » Post Item » Lenten Lunch

Lenten Lunch

April 5, 2008

May kasabihan: When the cat is away, the mice will play.

Ang nanay ang kontrabida sa buhay naming magkapatid disciplinarian sa amin. Siya ang laging nagsasabi sa amin na maglinis ng kwarto, maligo ng maayos, mag-tutbras, ayusin ang mga damit, etc. Hanggang ngayong malalaki na kami, lagi pa rin nya kaming pinagpasasabihan na wag masyadong kumain ng marami. Sumusunod naman kami. Masunurin kasi kami e.

Pero nitong nakalipas na semana santa, nang magpunta siya sa Manila, medyo sumuway kami sa mga payo nya. Eto ang ebidensya:

                                
          dinuguan                                                                galyang

 
Inihaw na lawlaw,  inihaw na tanigue, pako salad,  spicy spareribs

Dinala namin sa labas ng bahay at inilatag sa ilalim ng puno

Ang sarap! Halos sumabog na ang tyan namin sa kabusugan.

  

Di ko sasabihin kung anong araw ng Semana Santa namin kinain ito…shhhh

Posted by biyay at 9:54 pm | permalink

Previous Comments

Wow pako salad.

Posted by The Ca t at April 9, 2008, 11:59 pm

All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.

Add a comment