Isang Araw..
June 26, 2008Umuwi si Biyay sa probinsya dahil bakasyon sa kolehiyo. Pag dating nya sa bahay, nakita nya ang tatay nya.
Tatay: Anak, may maganda kaming balita.
Biyay: Talaga po? Ano po yun?
Tatay: Nahirang kami ng nanay mo na maging hermano at hermana dito sa ating parokya ngayong taon na ito.
Napatigil si Biyay ng sandali. Nag-isip. Tuwang tuwang bumulong sa sarili: “Tama! Ito na nga ang pagkakataon ko”.
Biyay: Mwahahahaha! Sa wakas, magiging reyna elena na rin ako! Walang makakapigil sa akin! What are we in power for? Mwahahahaha!
Natigilan din si tatay. Napatingin kay Biyay ng matagal. Umiling at sabay pabulong na nagsabi:
Tatay: Anak, walang ganyanan. Baka sabihin, inaabuso namin ng nanay mo ang pagiging hermano at hermana namin.
Biyay: WTF?!
All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.








