From Cacao To Tablea
December 23, 2008

Previous Comments
hehe. graduate na ako jan. dati tinitipon ko mga bata sa neighborhood para supsupin ang seeds. ngayon, medyo pinapabulok ko muna ang cacao before opening. mas madali alisin ang nasa paligid ng seeds pag ganun
Posted by biyay at January 12, 2009, 8:11 pmbiyay, taga-diin ka tabi? hahaha
Posted by reyna elena at February 1, 2009, 2:00 pmI’m also from your barrio siete, manay reynz
marami din mmga puno g caco d2 samin sa laguna kaya ln nasaayang lng ang mga buga kc wala marunung gumawa ng tablea,,,,,bka po pwede matulungan nyo ako kungg pano gumaa ng table……..
Posted by marilyn at January 11, 2011, 9:56 ammarilyn, pinaka-unang gagawin ay humanap ng mga bata na magsu-sopsop ng buto ng cacao. kung wala kang malokong bata o matanda na gagawa nun, linisn ang mga buto para maalis yung puting cover nya. kinikiskis ko ang mga buto ng net para maalis yung puti.
pangalawa, ibilad ang mga buto hanggang sa tuyong tuyo at magaan na sila.
#3: kumuha ng kawa at i-roast ang mga cacao beans. di ko masabi kung gaano katagal mo gagawin yun kasi depende yun kung gaano kadami yung niluluto mo, kung anong klase ng apoy gamit mo, at kung gaano katuyo yung mga buto. yung nasa picture, medyo hindi pa yun. basta wag mong tutungin. mag-praktis ka. konti lang muna gawin mo hanggang makuha mo tamang kulay.
#4. tanggalin ang balat. gawin mo ito habang mainit pa ang mga buto kasi kung lumamig na, medyo mahirap na alisin yun.
#5. gilingin ang cacao. wag gagawin sa grinder attachment ng blender mo. sa gilingan talaga. pag wala kang gilingan, punta ka sa palengke at dun magpa-giling sa mga gumigiling ng kape or bigas.
#6. mag-decide ka kung pagkatapos magiling e dadagdagan mo ang asukal o hindi yung cacao mo. either way, pormahin agad ang tablea. kung hindi ka maglalagay ng asuka, medyo matagal bago tumigas yun. at kung puro yung tablea mo, wag mo pagdiit-dikit habang pinatutuyo mo sila kasi didikit ang mga yun.
#7. gumawa ng tsokolate and enjoy!
All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.











kami din gumagawa ng tablea. nakasasawa na nga magsupsop ng cacao seeds.
Posted by Glo at January 7, 2009, 1:33 pm