Home » Post Item » Inis

Inis

April 20, 2009
Kung matino ka ba namang babae..

… ang bata-bata mo pa, papayag ka nang sumama sa isang lalaki na tatlong araw mo pa lang nakikilala, kayong dalawa lamang, at pupunta sa malayong lugar?

… gagawin mo ba yun at hindi ka magpapaalam kanino man, maski sa nanay mo, kahit man lang i-text sya kung saan ka pupunta at kung sino ang kasama mo?

… nung malaman mo na yung napuntahan mong lugar e mahirap makakuha ng sasakyan pauwi, hindi ka man lamang ba magte-text sa nanay mo na hoy, andito ako sa impyernong lugar na ito at mahirap daw umuwi pabalik kaya gumawa ka ng paraan para makauwi ako ngayong gabi?

… na kahit niloko ka na ng lalaking kasama mo na tatlong araw mo pa lamang nakikilala, sasama ka pa sa kanya na rumampa kahit gabing gabi na?

… at lintik na punyemas, papayag ka bang matulog sa isang kwarto na kayo lang dalawa ng lalaking tatlong araw mo pa lang nakikilala, at magkatabi pa kayo sa iisang kama?

… bakit ka papayag na tatabi sya sa iyo sa kama e meron pa namang ibang kwarto sa bahay na yun kung saan pwede syang tumabi sa mga kapatid nya?

… ngayon, sasabihin mo na ginahasa ka? Tonta! Sinong niloloko mo?

Pasalamat ka hindi ko sinabi sa nanay mo na hindi yun ang unang nagyari sa iyo. Akala mo hindi ko napansin ang healed lacerations mo? 

Posted by biyay at 9:01 pm | permalink

Previous Comments

Hello Ms. Honey,

Spotted you over Cat’s blog. Nice arguments on the Failon case.

And first time kong nabasa ko ang entry mo…

Taray. Hahaha…

Posted by Silver at April 22, 2009, 11:14 pm

honey,
parang may narinig akong ganitong story.

Posted by The Ca t at April 24, 2009, 3:41 am

hi silver, thank you. and thanks also for visiting.

cath, maraming ganyang kwento lalo na sa trabaho ko. hindi na nga unique pero pa-minsan minsan talaga, maiinis ka pa rin. people should be responsible for decisions they consciously made

Posted by biyay at April 24, 2009, 8:27 am

pwede pa rin namang ma commit ang rape kahit na mag-asawa pa yung tao…

Posted by datu puti at June 27, 2009, 9:58 pm

datu, oo pwede nga din talaga yun mangyari. Dito kasi sa entry ko, menor de edad yung tinutukoy ko.

Posted by biyay at June 27, 2009, 10:34 pm

o diba my parang ganyan ding storya ko napanood sa soco yung kay gus abelgas, mahilig kasi ako sa mga detective story, nagmana kay mam cat frustrated detective hahahaha.

naka chat taya o nakatext pala more or less.
tapos nakipagkita,sumama dun sa bahay nung lalaki at natulog at may nangyari sa madaling salita e alangan namang nag text silang magdamag na magkasama.
sa liblib yung lugar.
maganda yung celphone nung babae(underage) at nakursunadahan ni lalaki.
pinatay si babae ng dahil sa celphone, matuk mo yun,ginamit na nga ng magdamag ng libre pinatay pa dahil sa celphone at itinago sa imburnal sa liblib.
marami ngayong ganyan,lalo pa ngat ang mga bata e kababatang nag iinternet.

Posted by lee at November 17, 2009, 8:34 pm

Ewan ko ba sa batang ito. At hindi lang isang kaso yan. Maraming mga ganyan. Dito sa isang ito, duda ko wala naman talagang nangyari. Kunyari lang kasi mapapagalitan ng nanay. pero lintek talaga at ang bata-bata pa, kerengkeng na. di natulad sa akin. hahahah

Posted by biyay at November 18, 2009, 7:06 am

All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.

Add a comment