Home » Post Item » Hangin

Hangin

July 20, 2009

Babala: Maaring hindi nararapat ang nilalaman ng entry na ito para sa mga sensitibong tao.

 

Bigla na lang ako nagising kaninang madaling araw. Di ako nagising dahil sa maaga ako natulog. Hindi ko rin ugaling gumising nang ganoong oras. Nagising ako dahil sa napakasakit kong tyan. Correction, hindi pala sa tyan. Sa bilbil pala. Sa kaliwang bahagi.

Pinakiramdaman ko ang sarili ko. Kung hindi ako gagalaw, walang sakit. Pero pag gumalaw ako ng kahit konti, nandoon  ang sakit. Naisip ko, hindi naman siguro sumasakit dahil sa appendicitis. Nasa kaliwa ang sakit. Nasa kanan ang appendix. Teka, nasa kanan nga ba ang appendix? Leche, nasaan na ba ang appendix ko? Hindi naman marahil sumakit dahil magdamag akong natulog sa kaliwang tagiliran ko. Kung ganun, dapat sumasakit ang balikat ko. Sa may puson naman ang sakit. Bakit kaya sumakit? Dapat ba akong pumunta ng ospital? Ayoko pa naman sa mga ospital dito.

Sinubukan kong tumayo. Sobrang sakit talaga. Nahiga na lang ako ng patihaya. Hmmm. Hindi masakit kung nakatihaya ako. Malamig na sa kwarto. Dapat na yatang i-off ko na ang electric fan ko. Unti-unti ako pumusisyon sa kanang tagiliran ko. Hawak ko ang puson ko at sumasambit ng “Aray ko!Aray ko!Aray” habang pumupwesto.

Matapos akong tumagilid, nagpahinga muna ako bago tumayo. Mayamaya, naramdaman ko na. Parang hinuhugot mula sa tyan ko, palabas. Isang napaka-haba at napaka-lakas na utot. Prroooooooooooooott. Aba, medyo napabawasan ang sakit! Tumayo ako, pinatay ang electric fan, at bumalik sa kama. Pooooooooot. Aba, nawala na ang sakit!

Hangin lang pala.     

 

Posted by biyay at 9:58 pm | permalink

Previous Comments

di ba ganyan ang nangyari sa akin noong linggo. ang sakit pagkatapos namang kumain sa resto. pero alam ko na gas yon. kaya pag uwi ko ngasab kaagad ako ng dalawang tums. tapos punta ako sa bathroom. nawala nang unti-unti.

iba pa yong heart burn naman.

Posted by The Ca t at July 21, 2009, 1:23 pm

na-praning talaga ako nun. duda ko na gas yun pero inisip ko na baka hindi kasi hindi naman matigas tyan ko

Posted by biyay at July 21, 2009, 7:38 pm

otot lang pala, akala ko serious ailment na. ganyan dn kc symptoms ng nraramdaman ko minsan. hay..

Posted by ailasor at August 31, 2009, 3:54 pm

laking pasalamat ko na utot lang pala. bat di ka magpatingin sa doktor?

Posted by biyay at August 31, 2009, 7:34 pm

hahahahahahaha
natawa ako kasi naka relate ako,nangyari din sakin yan,nataranta pa si mader,pilit ng pilit takbo ospital baka apendix… pagtayo sabay ulot ng mahaba….wala na sakit lol

Posted by lee at November 16, 2009, 10:25 pm

mula noon lee, sa paa ko na itinutok ang electric fan. heheh

Posted by biyay at November 17, 2009, 5:31 am

ako, di talaga ako tatagal sa electric fan kasi sumasakit ang ulo ko at mga kasukasuan ko,ang ginagawa ni mader e sa wall nakatutok yung fan tapos yung mga bumabalik na hangin yun nalang.

Posted by lee at November 17, 2009, 7:51 pm

All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.

Add a comment