Home » Post Item » Double

Double

August 31, 2009
Sumakay si Juan sa bus. Napansin nyang duling ang kunduktor. Nang lumapit na ang kunduktor kay Juan, nagtanong si loko:
 
“Mama, magkano po ba pamasahe papuntang Cubao, kasasakay lang?”
 
Sagot ng kundoktor na duling “Sampung piso po”.
 
Biglang bumulong si Taning kay Juan: “Duling naman ang kunduktor eh. Gawa ka na lang ng paraan para makatipid sa pamasahe”.
 
Nagbigay ngayon si Juan ng isang limang pisong coin sa kunduktor. Nagulat na lang si Juan ng biglang nagsabi ang kunduktor: “E mama, kulang ho itong bayad nyo eh.”
 
Sabi ni Juan, “Bakit kulang, e sabi mo, sampung piso ang pamasahe, o ayan, di ba dalawang limang piso coins yang binigay ko saiyo?”
 
Sabi ng kunduktor “E asan yung bayad po ng kakambal nyo?”

Posted by biyay at 9:31 pm | permalink

Previous Comments

ahahahahahahaha

Posted by le at November 14, 2009, 2:27 pm

Add a comment