Home » Post Item » Kulet

Kulet

November 27, 2009

 

Meet Kulet. Inaanak ko. 4 years old, nasa nursery. Pag bumubuka na ang bibig nyan, kinakabahan na ang nanay nya. Ako naman, tawang-tawa. Minsan, kasama nya ang tatay at nanay nya sa kotse. Magu-u turn sana tatay pero hinarang ng traffic aide.
 
Traffic Aide (TA): Manong, wag kayo dito mag-u turn, makaka-abala kayo sa traffic. Umikot na lang kayo.
 
Tatay (T): Ano? Bakit ako iikot, magpapa-xerox lang ako sa kabila. 1 page lang ito, tapos papa-ikutin mo pa ako. Mapapalayo pa ako ng sobra.
 
TA: Wag na talaga manong. Umikot na lang kayo.
T: Tiketan mo na lang ako, mag-u u turn ako.
 
Biglang sumingit si Kulet. Hinarap ang TA at nagsabi.

Kulet: Ano ba, tumahimik ka nga. Ang ingay-ingay mo. At huwag mo akong tatawagin na manong, hindi ako manong.
 
TA: (tulala)

 

Posted by biyay at 9:00 pm | permalink

Previous Comments

hahahahahahahaha.

ang cute naman nya,sarap siilin ng halik sa pisngi kaso baka ako masigawan hahahahaha.

Posted by lee at November 28, 2009, 12:36 am

lee, nagpapaalam pa nga ako pag gusto ko i-kiss eh. hehehe. pagnaka-ngiti yan, naku kakabahan ka at baka kung ano na ang ginawa

Posted by biyay at November 29, 2009, 5:49 am

hahaha dapat pa pala tyempuhan malamig ang ulo

Posted by lee at November 30, 2009, 10:05 pm

lee, generally, madalas malamig ulo nyan. lagi nga game eh. yun nga lng pagbinigla mong halikan, baka kung ano ang ihirit sayo. kawawa ka hehehe

Posted by biyay at December 1, 2009, 4:05 am

All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.

Add a comment