Home » Post Item » Commercial Muna

Commercial Muna

November 30, 2009

   

 

Worried about your dark, dull skin? No problem. Try Beautyhost cream.  The 3-in-one cream. Whitens your skin, makes it glow.

And it really, really relieves that persistent “itch” (wink).

Works instantly too. 

Posted by biyay at 7:54 pm | permalink

Previous Comments

hindi kaya tanggal din ang balat mo hehehe.
sa atin dyan, lahat gagawin para pumuti, sa remica at yurup babayad ng mahal makamtan lang ang pagiging kayumanggi, hay dina malaman kung san lalagay.
di ako makagamit ng kung anu anu sa skin, ang sabon na gamit ko yung pang sanggol, sinubukan ko yang papaya soap susmio sugat sugat inabot ko,ang mukha ko grabe kadami ng acne,kung saan nako dermang mamahalin nagpunta, ok sya hanggat gamit mo yung gamot pero pag ubos na balik nanaman yung mga bukol sa mukha ko araguy.
isa lang talaga nakapahinto at naka galing sa mga pigsawat ng mukha ko at sa watson lang mabibili wala sa iba.
sa mga kolorete naman sa mukha e ok naman sakin ang clinic.
teka parang intsik ang sulat nyang nasa picture ah,magkaintindihan
kaya sila ng kutis ng pinay?jejeje

Posted by lee at November 30, 2009, 10:04 pm

lee, we all want what we don’t have. Yung kulot, gusto magpa-straight ng buhok. Yung straight ang buhok, gusto magpa-kulot.
intsik nga yan. regalo ata a few christmases ago. ilang minuto ko rin inisip kung anong ibig sabihin ng horniness jan. heheh

Posted by biyay at December 1, 2009, 4:08 am

hahahaha ngayon ko lang nakita maigi yung mga pictures, kahapon kasi tig kakalahate lang nakalabas na 2 pictures, ngayon lang luminaw ang lahat hahaha nakakabaliw.
dito ang mga tao saksakan na ng puputi pero pinaka mabili pa ring producto yung pampaputi.
ako diko gusto talaga ang balat ko kasi yellow, maputi pero ang pagka puti ay yellow para akong my hepa hahaha.
natawa ko dyan sa horniness na yan hahaha.

Posted by lee at December 1, 2009, 11:41 am

bwahahahaha!!!

ang galing talaga ng chekwa magtranslate into english. ;)

Posted by Glo at December 1, 2009, 3:22 pm

dapat irecommend ito sa mga mahilig mambabae para mabawasan ang libog. hahahaha

ako grabe ang sensitibo ang balat kaya hindi ako nagmemake-up except for light Estee lauder na water based foundation.

minsan gumamit ako noong pampakinis kuno na balat, pag gising ko parang may mga munting bundok na tumubo sa aking mukha. parang gusto kong kumanta ng the hills are alive with the sound of music.

ayaw ko ring magpaputi. yong ang ngugustuhan sa akin ng mga foreigner, yon bang olive skinned kuno n noong bat ako ang tawag sa akin y tutong. mwhehehe

Posted by The Ca t at December 1, 2009, 9:41 pm

lee, nawindang nga din ako sa horniness. Inisip ko pa kung anong ibig sabihin nila. tagal ko bago naisip na “magaspang” pala ibig sabihin nun.

Glo, try mo nga i-translate into english ang sagot dito:
Q: (translated from sorsoganon dialect)Mr. witness, considering that it was already night time, what were you doing outside your house?
A: (in sorsoganon) Nagpapa-hiwak hiwak
* hiwak-hiwak is nagpapatunaw ng kinain sa tagalog. ano yun sa english? melting? hehehe

Ca t, sensitive din sa soap ang skin ko. kahit dove o olay, kinakati ako tapos may pantal. Pero the rest of my skin, makapal. At least masasabi ko, di ako kapal muks. hahaha

Posted by biyay at December 2, 2009, 10:31 pm

All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.

Add a comment