Home » Post Item » How To Torture Your Friends (And Look Good While At It)

How To Torture Your Friends (And Look Good While At It)

December 23, 2009

 

Maaga kong binigay ang regalo ko kay Kulet. Kaya maaga pa din ay nangungulit na.

Kulet: Mama, pwede ko na ba buksan yung gift na bigay sa akin ni Tita Biyay?   

Mama: No, sa Christmas mo pa yan pwedeng buksan.

Kulet: Sabi ni Tita, pwede ko na daw buksan yan.                                                                 

Mama: Hindi nya sinabi yan.

Kulet: Narinig ko, sinabi nya. Tinanong ko sa kanya “Tita Biyay, pwede ko bang buksan yung regalo mo sa akin? Tapos sabi nya “Pwede na”.                                                                                           

Mama: Hay naku, basta hindi yan sinabi ni Tita mo. Wag mo na akong kulitin at baka hindi ka na makatanggap ng regalo galing sa akin.

Nakasimangot si Kulet, bitbit ang regalo at pumunta sa tatay.

Kulet: Ano kaya ang laman nito? (Sabay alog ng regalo). Naku, may nabasag yata sa loob. Papa, buksan na natin ang regalo kasi may nabasag yata.                                                                               

Tatay: (Nakialog din ng regalo) Wala naman akong naririnig ah.

Kulet: Meron. May tunog nabasag. (Alog uli ng regalo) Ayan naririnig ko nga o.  Buksan na natin papa.

Tatay: Hay kulet!

———

Note: Hindi ko po regalo yang sa pic kay Kulet. Bigay yan ni Santa sa kanya.

 

Posted by biyay at 9:30 pm | permalink

Previous Comments

hahahahahaha torture nga.
gawin ko nga din yan next time hahaha.

Posted by lee at December 29, 2009, 3:24 pm

isa pa lee, regaluhan mo ang mga inaanak mo ng musical instruments. drum, torotot, whistle… *evilgrin*

Posted by biyay at December 29, 2009, 5:08 pm

ang galing ni kulet. pag ito nagkandidato, iboboto ko.

Posted by The Ca t at December 29, 2009, 8:17 pm

siempre, mana sa ninang!

Posted by biyay at December 29, 2009, 10:47 pm

hahahahaha oo nga e yung tambol, nung bata pa yung anak ko yun ang niregalo nung kaibigan ko, gusto kong bigwasan yung kaigigan ko e hahahahaha
ngayon ko lang narealize na siguro my lihim na galit sakin yun kaya yun ang niregalo hahahaha

Posted by lee at December 30, 2009, 12:55 pm

sige mam cat, isasama ko si kulet sa mga future candidates ko hahahaha

Posted by lee at December 30, 2009, 12:57 pm

hahahahahaha lol….. grabe ang hirap pigilan ng tawa ko kay kulet, the best sya …. ;-) love ko na sya =) love you kulet sana parati mo akong patawanin ;-)

Posted by lady pasta at January 4, 2010, 2:18 pm

lady, minsan nga gusto ko kidnapin ang bata. pero pag nakikita ko ang kakulitan, ay wag na lang! hehehe

Posted by biyay at January 4, 2010, 9:34 pm

biyay, pwede ba syang mahiram kahit 1day lang hehehe nakakatuwa kase ang kulet nya. sana wag kang magsawang update kami re: kulet hahahaha :-)

Posted by lady pasta at January 5, 2010, 12:24 pm

mahirap mag-overnight yun, nagpapasundo sa tatay pag alas dyes na ng gabi. haha

Posted by biyay at January 5, 2010, 7:38 pm

Add a comment