Home » Post Item » Libre Ang Mangarap

Libre Ang Mangarap

January 4, 2010

Naalala ko pa nung graduation sa nursery ng pinsan ko. Siempre, mega-attend naman ako. Aliw kasi manood ng mga ganyan. Riot. Eto ngayon ang siste. Yung mga graduating students, isa-isang aakyat sa stage tapos magsasalita kung ano ang gusto nila maging paglaki nila. “When I grow up, I want to be a ….”.

As usual, marami ang gusto maging lawyer, doctor, nurse, etc. Kaklase ng pinsan ko yung dalawang anak ng kapitbahay namin. Sabi nung kuya, “When I grow up, I want to be a engineer.” Palakpakan ang mga tao. Nung umakyat na sa stage si JJ, hagalpakan sa tawa ang mga tao. Pano ba naman kasi, ang sinabi eto: “When I grow up, I want to be an NPA.”

Kaya naman pala NPA ang gusto kasi para naman daw maiba. Nung practise nila kasi, nagsabi din sya na “I want to be a doctor”. Sabi ng teacher, “Wag na nung doctor, ang dami na ng gusto ng doctor. Sabihin mo, pilot para maiba naman”.  Nagprotesta si J. “Ayaw ko nga ng pilot! Ang gusto ko, burabod!” (May elementary school dito na ang tawag, Pilot. Meron ding elementary school dito na ang tawag, Burabod.)

Posted by biyay at 9:45 pm | permalink

Previous Comments

the word burabod is familiar. hindi ko lang maalala ang ibig sabihin.

Posted by The Ca t at January 5, 2010, 7:02 am

hahahaha.
yung burabod di familiar sakin,
yung pilot ang familiar kasi nun araw inggit ako sa mga nasa pilot kasi nga mga sikat kasi matatalino pag nasa pilot,di kagaya ko na nasa row4 sa tabi ng bin.
bukod kasi sa magulo,madaldal e tamad pako magaral.

Posted by lee at January 5, 2010, 12:00 pm

bigla ko tuloy naalala yung pangarap ko nung araw, nung bagong labas yung love bus,ang lamig sa loob tapos yung mga kundoktora sosyal mga naka blazers ,shoes at scarf pa,kaya mula noon,isinumpa kong aabutin ko ang aking pangarap na manging kundoktora ng love bus,kaso nung lumaki nako dina uso love bus jejeje

Posted by lee at January 5, 2010, 12:05 pm

burabod= fountain /water source. as in, “yung gasul ng kaibigan ko, limang taon na, hindi pa rin nauubos. hindi kaya nakakabit yun sa burabod?” hehe.

yung pilot elem. school dito mayroong cream sections kung saan nandun ang mga matatalino. pero meron ding mga section ng mga medyo hindi intellectually gifted. ako noon, lagi nasa section 1. kasi naman, private school ako (mwehehe) at dadalawa lang ang sections namin.

pero kahit sinong teacher ang tanungin mo, pag nakikita ako, sasabihin “ah ikaw yung laging nagbabasa ng libro sa klase”. halos oras oras kasi, nagme-may I go out ako tapos punta sa library, hiram ng nancy drew na libro at magbabasa sa klase habang nakatago si nancy drew sa textbook.

ako, ang dream job ko ngayon, yung nakaupo lang ako, walang ginagawa pero madaming pera ako. san kaya merong ganun? may alam kayo?

Posted by biyay at January 5, 2010, 7:05 pm

ah, oo nga, spring water. Meron pala kami niyan sa bahay naman sa Quezon City. Hindi natutuyuan. Pinacheck naman nila, malinis naman pero hindi nga lang potable kasi open at marami ng bacteriang puwedeng maglangoyan.

then yong nga palang nilalabhan ng dad ko. oo biyay, pag wala kaming katulong noon, daddy ko ang may sunong=sunong na batya, kasama ako para maglaba doon sa itaas, sa burabod.

ayaw niyang maglaba sa bahay kasi minsan, dinalaw siya ng boss niyang kano, inabutan sa batalan may sabon ang kamay. hohoho

Posted by The Ca t at January 6, 2010, 12:48 pm

lee,
hindi ko alam na ganoon ang uniporme ng kundoktura ng love bus.

sa totoo lang, noong napadpad kami sa menila pagkatapos mamatay ang aking pater, lahat ng mga kapatid ko tulong-tulong na naghanap ng trabaho. Ako rin naghanap. Isinama ako noong isang kapitbahay sa isang bus company para mag-aaply pagkakundoktora.

susme, tuwing gagalaw ang bus, tumba ako.

nang malaman ng mater ko, pinagalitan ako at bakit daw ako nag-aapply ng pagkakundoktora.
gusto ko raw bang maging kabit ng tsuper. mater ko talaga, suspetsyosa.

kesehodang ipinagbili niya ang aming sasakyan . noon kasi gusto ko nanghumawak ng pera.

sabi ko nga sa mater ko pag nasa loob ako ng toilet at nakaupo ako sa trono, iniisip ko reyna ako na maraming pera.

pingot ang abot ko kasi kaya raw pala ang tagal ko sa toilet.

Posted by The Ca t at January 6, 2010, 12:55 pm

dito sa may bahay namin, maraming may spring. malinis naman. potable. madami nga daw minerals. ewan lang kung anong klaseng minerals. pero buhay pa naman kami so far :) .

minsan mag-isa ako sa bahay. may dumating na kliyente. buset! naka shorts lang kasi ako tapos butas pa ang t-shirt ko. tapos di pa ako naliligo nun. mula nun pag may naghahanap na kliyente sa akin, lagi akong wala.

Posted by biyay at January 6, 2010, 5:37 pm

ganoondin ang nangyari sa akin noong nagbalikbayan ako. nakashorts atbutas ang shirt dahil general cleaning ang ginawa ko. may dumating na mga bisita. tinanong nila kung ako ang katulong. hahahaa

Posted by The Ca t at January 6, 2010, 7:01 pm

hahahahahaha yun pala yun,yung fountain.
mam, talagang pinag praktisan ko yang pagiging kundoktora,tagilid ako
palagi tumayo sa bus para di matumba tapos
inuunahan ko yung kundoktora pag hampas sa dingding ng bus sabay “aryaaaaa” hahaha
tawa yung yung kundoktora sakin nung araw e.

mam,sinasabi ko na e,maghkamaganak mader kot mater mo,sinabihan din ako ng “magiging kabet lang daw ako ng pagkabantot na driver bwahahahahaha”.

Posted by lee at January 6, 2010, 7:50 pm

mam, cat,kahit pa di ako magdamit ng butas… kahit pa pang debut na peasant ang suotin ko,napagkakamalan parin akong muchacha samin hahahahaha

biyay, dapat pala sa custom ka nagtrabaho, aba e ang mga sinalibad nakaupo lang maghapon papatay malisya,ikaw ang lalapit at maghuhulog nung pera sa drawer nila,at ayaw ng basta ka lang maghuhulog,my favorite colour sila,gusto nila blue,at dilang basta blue… madaming madaming blue,yung pagbagsak sa kahon ng drawer e medyo my tunog(read:makapal) jejeje.

Posted by lee at January 6, 2010, 7:54 pm

lee, sa tagalog, bukal. mas accurate ata yung translation na yun. di ko inambisyon maging kundoktora nun kasi bihira ako makasakay ng bus nung maliit pa ako. tricycle o jip lang. nadalas lang ako sumakay sa bus nung nag-college ako sa menila.

di pa ata ako napagkakamalang chimaa. mukha kasi akong mistisa. mistisang bumbay. hahaha. pero mukha akong naiiwan sa kusina. hehehe

Posted by biyay at January 6, 2010, 8:55 pm

lee,
convinced ns talaga ako may blood relation ang ating mga nanay. pero bakit psreho rin tayong nag praktis ng pagiging konduktora. hahaha

sabi din niya yon ns hanggang driver ns lang daw ba ako eh pinangarap ni pater na ang mapapangasawa ko ay dugong bughaw. siguro dahil gumagamit siya noon noong pampablue sa nilalabhan niya. hindi ko alam ang pangalan. Ah tina.

Posted by The Ca t at January 7, 2010, 5:06 am

kuwento rin ss akin ng aking kapitbahay yan na taga Customs. palagi lang nakabukas ang kaniyang drawer. ang daming dinadaanan ng mga importers.

Posted by The Ca t at January 7, 2010, 5:08 am

Add a comment