Home » Post Item » Si Kulet at ang Kanyang Pet

Si Kulet at ang Kanyang Pet

January 6, 2010

Kunot ang noo ng pumasok sa office kanina ang nanay ni Kulet. Problemado. Di raw nya alam kung ano ang sasabihin o gagawin sa anak. Bakit ba?, tanong ko. Eto raw nangyari sa bahay nila:

Kulet: Kelan mo ba ako Mama bibigyan ng pet? Gusto ko ng pet.
Nanay: E di ba may pet chicken ka na?
Kulet: Ayaw ko na nun. Gusto ko naman ng iba.
Nanay: O sige, anong pet ang gusto mo?
Kulet: Gorilla.

Ano kamo , may manok ang anak mo?, tanong ko. Di kaya mamaya nyan, maghahanap na yan ng tupada? Gaga, sabi ni nanay.Tsk tsk. Sabihin mo sa anak mo, hindi pwede gawing pet ang gorilla kasi malaki ito at hindi kasya sa bahay ninyo.

Uwi ngayon si nanay.

Nanay: Anak, wag na lang gorilla ang pet mo. Mahirap mag-alaga nun.
Kulet: O sige. Basta pagawa na lang kayo ng swimming pool para may pet shark ako.

Posted by biyay at 5:39 pm | permalink

Previous Comments

sa florida, may mga tao na may pet na alligator.
nang maghirap, pinakawalan nila. di ba mga sira ang ulo.

kaya minsan may mga neighborhood na nagigising na may alligator sa loob ng kanilangbakod.

yong isa nga nasa kitchen niya. huwag naman nilang sabihing naglakad yon mula sa swamp.

pakitanong nga si kulet kung gusto niya pulitiko as pet? meow.

Posted by The Ca t at January 6, 2010, 7:06 pm

hahahahahaha.
ako kamo pwedeng gawing pet,mukha din naman akong gorilla hahahaha,di naman kamo ko kalakasang kumain hahaha.

mam cat, pag dito yan walang problema,
dina sisikatan ng araw yang aligeyter na yan
kawali kagad ang bagsak nyan hahaha.

cute ni kulet noh, pakiss nga kulet hahaha

Posted by lee at January 6, 2010, 7:43 pm

cath, insulto daw sa buwaya na ikumpara sa pulitiko. haha

sabi pa nga daw ni kulet na sabi raw ng teacher nila, dapat daw kini-kiss ang mga pet. nawindang ang nanay kasi yung anak nya, magki-kiss sa shark. windang na nga kasi imagine nya na bitbit ang anak nya ng gorilla. lokang nanay. bata pa ni kulet, sakit na ng ulo ng magulang. hekhekhek

Posted by biyay at January 6, 2010, 9:00 pm

ngek,imaginin mo kahalikan ng anak mo kundi shark gorilla,ehek!

Posted by lee at January 6, 2010, 10:53 pm

Add a comment