Home » Post Item » Problema na naman?

Problema na naman?

June 14, 2010
Ano ba naman itong si Noynoy, di pa nga nauupo bilang presidente, puro na lang problema ang naririnig ko. Bakit dapat na maging problema kung saan sya titira? Bakit dpat problema kung titigil sya manigarilyo o hindi? Bakit dapat problemahin kung kanino sya manunumpa? Bakit dapat problemahin kung totoo o hindi yung sinasabi ni GMA na may increase sa GDP? At importante ba na malaman kung ang rason ng pagtaas ng GDP e dahil sa economic policies o dahil sa election spending?
 
Wala ba syang adviser at puro walang katuturan ang lumalabas sa kanya? O hindi sya nakikinig sa mga advisers nya? Hoy Noy, bakit di mo problemahin kung paano mo tutuparin yung mga pangako mo nung kampanya kung paano mo lulutasin ang mga problema ng bansa? May mabuti pa yun kesa kami ang bibigyan mo ng problema,di ba?
 
Pwede ba na kung sino ang binoto mong presidente, yun na ang presidente mo at kung sino ang binoto ng kapitbahay mo, yun din ang kanya?
Posted by biyay at 8:22 am | permalink

Previous Comments

yong pag-slis niya ng mga tao ns may tenure, wala siyang laban doon. sa gobyerno may job security dahil sa civil service law na may mga eligibility ang kinukuha except yong mga casual at ang mga position ay co-terminus sa dating presidente.
ang alam ko ang mga staff sa malacanan, presidents come and go pero sila nanatili.

bakit kailangan takutin ang mga tao. bakit kailangang magthreat siya.

Posted by The Ca t at June 15, 2010, 9:06 pm

ewan ko ba sa kanya. sa sobrang takot nya na mabahiran ang administrasyon nya ng galing kay GMA, nagmumukha tuloy syang praning o bratty. Baka mamaya nyan, sa sobrang ka-praningan nya, madami na namang mga coup attempts nyan o kaya ma-impeach sya. e di si binay na presidente. yaiks!

Posted by biyay at June 15, 2010, 11:12 pm

All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.

Add a comment