Mangga Ba Kamo?
June 22, 2010Sa tabi ng bahay namin, may isang puno ng mangga. Hindi piko, hindi rin carabao. At mas lalong hindi indian. Mistiso ito. Sosyal. Pear mango daw tawag dun. Yung lasa, hindi mo maintindihan. Parang pili na ewan. Medyo maasim sya. Pero masarap na pagka-asim. Mabuhok (fibrous) kapag hinog na.
Nung mga nakalipas na taon, madalang ito mamunga. Maswerte na kung makakuha ka ng tatlong bunga sa isang season. Pano kasi, laging inuulan ang mga bulaklak. Naglalaglagan tuloy. Kundi naman, nauunahan kami ng mga paniki. Kung swertehin ka naman at makakuha, sobrang asim naman. Until now.
Ngayong summer, bongga ang mangga naming sosyal. Ang dami ng bunga! Siguro dahil na rin sa mainit. Eto sya:
Sabi nila, ang punong hitik sa bunga, yun ang binabato. Di pwedeng batuhin aka bumalik sa amin ang bato. Toink! aya sinungkit na lang namin.
Masarap yung medyo manibalang…
Hmm…san kaya masarap i-partner ito?
Kain na!
Sarap!
*para kay Lee, Cath at iba pang readers na nasa abroad.:D
Previous Comments
si lee kasi, magbabaon daw sya ng mangga dun sa kwentong teleserye mo….e di binigyan nga ng mangga…hehe
Posted by biyay at June 28, 2010, 2:12 pmalam mo ba na matagal nakong atat na atat mag comment dito sa post mo, bago pako umwi nung chinese new year, nai comment ko pa kay mam cat na ayaw tanggapin yung comment ko at naghahang ang PC ko, ngayon try ko tong new proxy ko kung tatanggapin comment ko.
naghirap ako ng husto sa proxy nato, try muna kung tatanggapin,kaya ako nagpakahirap e para makapag comment at para murahin ka…
@&%#$ *&@%$#%
yan ang iyo hahahahahahaha
alam mo bang matagal ng nalalag lag ang panga ko sa mangga tapos iinggitin mo pa kami?hahahahaha
(ganda ng verification word: bombo hahaha)
Posted by lee at July 6, 2010, 4:01 pmyeeeeees tinanggap comment ko weeeeee
pero naghahang parin, pero dina matagal
uy ang cute nung baby, kamukha sya nung pamangkin ko, pramis, namiss ko tuloy
Posted by lee at July 6, 2010, 4:04 pmlee, ikaw kasi, na-mention mo ksi kay cath na mangga ang babaunin mo sa blogobela nya. kaya naalala ko tuloy ang mangga namin.
glad you’re back na
anak yan ng pinsan ko. nakakaaliw
Posted by biyay at July 6, 2010, 6:36 pmnakakaaliw talaga yung ganyang edad, kaso pag laki ng mga yan nakakakunsumi na hahaha nagagagwa nga naman ng mga bata sa buhay natin oo.
tengkyu tengkyu, bow!
para nga akong palitaw na pinaglihi sa kabute, lulubog lilitaw lol.
TAGI MAN! siram!
Posted by Glo at July 20, 2010, 10:09 pmtoo late glo, ubos na. yung nandun na lang sa puno ng mangga namin are passion fruits
All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.









salbahe kay biyay, nangtatakam ka na naman. sarap niyan sa bagoong. *heh* nakakangilo ng ngipin.
ganiyan ang mangga dito. mas malaki nga lang pero walang lasa pag hilaw. kailangan hinog.
Posted by The Ca t at June 25, 2010, 8:26 pm