Hanubayan?!
July 1, 2010Di ko namalayan, muntik na pala akong mawalan ng trabaho kahapon. Sa sobrang kagustuhan kasi ng Lolo nyo ng pagbabago, gusto pa idamay ang trabaho ko. Buti na lang, may job security ako. Kaya si Lolo, supalpal. Backtrack bigla.
Ewan ko ba. Hindi ko tuloy alam kung sobrang mayabang lang talaga si Lolo na feeling nya, kaya nyang gawin lahat ng gusto nya, matigas ang ulo, or talagang igno sya. Either way, nakakahiya. Kung bakit ba naman kasi, hindi magtanong muna sa mga taong nakakaalam bago gumawa ng hakbang.Nagmukha tuloy tanga si Lolo.
Lolo, ayaw ko mang magbigay ng unsolicited advise, pwede ba kung may hakbang kang iniisip gawin, pag-isipan mo muna ng paulit-ulit? At pwede ba, magtanong ka naman sa mga nakakaalam. Ok lang sana na tanga ka basta inaamin mong tanga ka at willing ka matuto. Pero kung tanga ka na nga at feeling mo super galing ka, malaking problema yan. Wag masyado makinig sa mga sipsep.
Previous Comments
hay! this early pa lang nag-aaway-away na yung mga kabarkada nya
Posted by biyay at July 5, 2010, 9:08 pmhaysus ginuo san ba ang punta ng byahe, kaya ba talagang mag drive ng lolo mo? o my driver? pero parang ang gulo, tingnan nalang natin kung san abutin ang tuhod nya.
pero ngayon palang parang hilong talilong lang ang lolo mo,masabi lang na magaling e lalong pumapalpak hehehe.
may kasabihan nga, the road to hell is paved with good intentions. wag naman sana
Posted by biyay at July 6, 2010, 9:49 pmwag naman sana…
amen!
All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.









kaso sabi ng lolo mo, wala naman daw kaibahan, sa isip ko libo ang kaibahan dahil kahit na yong hindi binigyan ng upuan ay pinatatayo ng lolo mo.
palagay ko yong mga kabarkada niya hindi rin alam.
Posted by The Ca t at July 3, 2010, 11:13 am