Home » Archives » November 2010

Para sa Isang Pusang Gala

November 12, 2010

 

photo source: blinn.com

 

 Hindi ko alam kung paano ito sasabihin sayo, pero sasabihin ko pa rin the best way I know how- thru this blog. Hindi ako ma-dramang tao. Ayoko ng eksena, ayokong ngumangawa at ayokong naglulupasay.  Pero nalulungkot ako at naiisip mong malapit na ang oras na ikaw ay umalis.

Di kita haharangan. Di ko rin ipagpapalit ang kung anu-ano para lang magtagal ka pa. Naniniwala kasi ako na kung sa tingin mo, malapit na ang oras para umalis, e di sige. Hindi ko mapipigilan ang isang bagay na di ko hawak.Siguro, sa isang banda, maganda na rin. At least wala na ang kaba, ang takot, ang sakit nararamdaman mo.

Pero bago ka umalis, gusto kong maiparating sa iyo na nalulungkot nga ako.  Hindi tayo close. Di tayo nagka-usap at di rin tayo nagkita. Dahil sa iyo, at na-engganyo ako sa mga kwento mo, naisip ko na ayos din naman pala ang may blog. Kaya ikaw ang dapat sisihin bakit mayroong www.biyay.i.ph. Maraming salamat sa iyo. Bato ako pero dahit sa iyo, natuto ako (kahit konti) na makipag-interact sa mga commenters ko. Sabagay, iilan lang naman kayo. heheh. 

Mami-miss kita at ang blog mo. Mami-miss ko ang mga kwento mo. Dami mong naka-away online pero never kitang nakitang bastos ang inasal. Mami-miss ko rin ang pag-paliwanag mo accounting and economic terms. Bobo kasi ako sa ganyan pero dahil sa paliwanag mo, naintindihan ko kahit sandali. Mami-miss ko din ang news updates at mga chismis mo. Andito ako sa Pinas pero mas nauuna ka sa akin sa mga balita. Di ko na rin kailangan manood ng mga laban ni Manny kasi live blogging ang ginagawa mo.  Sisilipin ko na lang sa blog mo at alam ko na agad kung panalo o talo. Hahanapin ko ito pag wala ka na.

Sinabi mo na parang roller coaster ang buhay mo. Marami kasing ups and downs. Pero ganyan talaga kasi ang buhay. Kaya interesting kasi may ups and downs. Kung wala ang mga iyon, boring di ba? Ang tanong, nag-enjoy ka ba? Sana. Mukha namang naging masaya ka eh. At natutuwa naman ako na positive pa rin ang tingin mo sa mga bagay-bagay. Isa pa yun sa mga hinahangaan ko sa iyo. 

Di pa ako tapos sa iyo. Marami pa akong gustong itanong. Mrami ka pang dapat i-kwento. Sana nga may himala.  Maraming salamat muli.   

Posted by biyay at 10:25 am | permalink | comments[2]